Pagasa: LPA pumasok sa PAR

Binabantayan ngayon­ ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) na pumasok sa loob ng Phili­ppine Area of Res­ponsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huling­ namataan ang LPA sa la­yong 745 kilometro sila­ngan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Hindi umano inaa­sahan na lalakas ang LPA at maging ganap na bagyo ngunit posibleng magdulot ang buntot nito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Caraga at Eastern Visayas.

Samantala, patuloy namang umiiral ang Amihan sa Hilagang Luzon kaya asahan ang mahihinang pag-ulan partikular sa Batanes at Babuyan Group of Islands, dagdag pa ng Pagasa. (IS)