PAGASA nagbabala sa bagyong Samuel

Pinagiingat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga resi­dente sa Mindanao laban sa bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility(PAR) na papangalanang Samuel.
Ayon sa PAGASA, mala­ki ang tiyansa na tumama ang bagyo sa Mindanao at Western Visayas.

Sa ngayon umano ay taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 50kph at kumikilos sa bilis na 20kph subalit posible umano na lumakas ito pagpasok ng PAR. Hu­ling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,120 km East ng Mindanao.

Sa monitoring ng PAGASA ay maaaring umabot sa Severe Tro­pical Storm ang papasok na bagyo na inaasahang tatama din sa CARAGA Region sa Martes at dadaan din sa Central, Western Visayas at Palawan bago tuluyang luma­bas ng bansa.