Ngayong Kapaskuhan kung saan maraming mga gumigimik para makalikom ng pera, nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na hindi ito nanghihingi ng anumang donasyon o nagso-solicit para sa anumang foundation.
Kasabay nito, nagbabala ang Pagasa sa publiko na kung mayroon mang mga humihingi ng pera gamit ang kanilang ahensya o mga opisyal ay hindi ito totoo dahil ang ahensya umano ay hindi gumagawa ng ganitong iligal na aktibidad.
Ang babala ay ginawa ng Pagasa matapos na ring makatanggap sila ng impormasyon na may ilang indibidwal ang gumagamit sa pangalan ng kanilang mga opisyal para makahingi sa mga contractor.
“PAGASA would like to inform and caution the public of unauthorized individuals posing to be officials of the agency soliciting money for a foundation. A report has been received by PAGASA that an email had been sent to a contractor by someone pretending to be a PAGASA Official seeking to solicit donation to a certain foundation. We do not tolerate and detest that misrepresentation” ayon sa Pagasa.
Iginiit ng Pagasa na walang anumang pabor silang hinihingi sa sinumang indibiwal o taggapan.
Umapela ang ahensya sa publiko na kung may mga natatanggap na email gamit ang kanilang email address at pangalan ng kanilang mga opisyal ay peke ito, agad umano itong ipagbigay alam sa Pagasa Public Information Unit at Telephone No. (02) 8284-0800 local 102 to 103 o sa kanilang email na information@pagasa.dost.gov.ph. (Tina Mendoza)