LILIPAD bukas sa Davao City ang mga bida ng telefantasyang Mulawin vs. Ravena na sina Miguel Tanfelix (Pagaspas) at Derrick Monasterio (Almiro).

Magpapasaya sila sa Kapuso Mall Show bukas ng 4:00 PM sa Gaisano Mall Toril ng Davao City.

Kaugnay ito sa selebrasyon ng mga Dabawenyo ng Kadayawan Festival ngayong taon.