Pagawaan ng baril sinalakay

LAGUNA — Sinalakay ng mga tauhan Laguna PNP Provincial Intelligence Branch ang isang pagawaan ng mga baril sa Barangay Sta. Ana, San Pablo City kahapon.

Nakumpiska dito ang 10 piraso ng homemade caliber .38 rebolber, isang improvised shotgun at ibat-ibang piyesa ng mga baril.

Narekober din ng mga otoridad ang iba’t ibang mga kagamitan sa paggawan.

Inaresto rin ang isang Felecio Atienza Onera alyas “Pile” na siya umanong gumagawa ng mga iligal na baril.

Nasa kustodiya na ng PNP ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.