Pagbaba ng bilang ng mga OFW na pa-Kuwait asahan — DOLE

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maglalabas siya ng kautusan para sa scale down ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Ito ang naging tugon ng kalihim sa sinasabing bagong requirement ng Kuwait para sa mga OFW na kailangang makapagpakita ng certi­ficate na negatibo ito sa COVID-19.

Ilan sa mga maapek­tuhan sakaling ipatupad ito ng kagawaran ay ang lahat ng manggagawang patungo sa Kuwait. Balik-manggagawa man o bagong tanggap at mula sa hanay ng mga professional, skilled, semi-skilled at household service worker (HSW).

Ngunit nilinaw ng kalihim na hindi naman ito masasabing pagganti dahil sa hakbang ng Kuwaiti government. (Mina Aquino)