Posibleng tuluyan nang iaatras ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagbaba ng minimum age ng criminal responsibility.
Ito’y matapos na aminin kahapon ni House justice committee chair Rep. Reynaldo Umali na sa halip na isulong pa ang panukala ay aaprubahan na lamang ang ibang panukala na magpapalakas sa mga probisyong nasa ilalim ng Juvenile Justice Act of 2006 na kasalukuyang nagtatakda ng minimum age ng criminal responsibility sa edad na 15.
“Aa early as now, I was briefed by my com sec (committee secretary) and there are various options now being pursued. One of which is i-enhance lang natin ‘yung existing law. So I do not know the details yet,” ayon kay Umali sa isang press briefing.
Ngayong araw umano itinakda ang pagdinig ng justice subcommittee sa naturang panukala.
Ang panukala ay isa sa mga itinutulak ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kamara sa pangunguna ni Speaker Pantaleon Alvarez, kung sa’ay mula sa kasalukuyang 15-taong gulang na minimum age sa criminal responsibility, itinutulak itong ibaba sa 12 o 9 years old.