Ang kasalukuyang pangyayari sa isyu ng Angkas ay isa lamang pagbabalangkas sa Angkas operators na tumigil panandali, kaya nga may TRO upang balangkasin muna nito alin mang safety measures ang kailangang ipatupad sa kapakanan ng riding public.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang orihinal na sigalot dine ay yaong isyu ng rider/passenger safety kung kaya’t pinatawan dati o noon pa ng desist order ng LTFRB ang Angkas. Humirit ito at nakakuha ng paborableng desisyon mula sa isang Mandaluyong RTC “to go on and do business.”

Siyempre, hindi ito ikinatuwa ng LTFRB at nakahagilap nga ng kakampi sa Korte Suprema. Ngayon, nagmamatigas ang mga Angkasero. Contempt of Court ang naghihintay na panibagong kaso sa mga ito na lalo lamang magdidiin sa kinasasadlakan nito.

Kung hindi na rin lang susundin ng sinuman ang isang desisyon ng Korte Suprema ay huwag na rin tayong sumunod sa alin mang batas meron tayo. Kapag sumakay ka sa Angkas, huwag ka na din mag-abala pang magbayad tutal lawlessness naman ang tema ng business na gustong ipatupad ng mga namumuno nito.

Oo, marami ang mahihirapan sa pagkomyut ngunit sino ba ang hindi. Akala niyo ba porket nasa loob ng de-aircon na sasakyan ang iba riyan ay walang nararamdamang problema? Lahat tayong motorista ay damay sa kung saan man, o alinmang trapik meron tayo.

Hindi na tama ang ginagawa ng Angkas heirarchy na pamunuan ang anarchy sa lansangan! Tawagan ang DICT at diktahan ang mga damuhong pinuno ng Angkas na lansagin ang gamit nitong transpo hailing app!

Kung yung Grab nga ay sumunod sa batas aba’y bakit naman itong Angkas ay parang gustong gumawa ng sariling batas! Kayo na humusga. To God be the Glory! 2015motorista@gmail.com.