Nitong Sabado, March 2 naimbitahan ako sa pangatlong pagkakataon ni Department of Education-Manila Elementary and Secondary Journalism Supervisor-in-Charge Ayla B. Urrea na maging isa sa mga resource person/judge sa Pagsulat ng Isports sa Ignacio Villamor High School sa Sta. Ana, Manila.
Live coverage ng table tennis o pingpong ng araw na iyon ang naitoka ng DepEd na koberan bago pasulatin ang campus journalist contestant sa Division of City Schools Manila Secondary Schools Press Conference.
Noong Pebrero 23 na-assigned ako ni Ms. Urrea na maging resource person/judge naman sa Pagsulat ng Balita sa DCS-Manila Elementary Schools Press Conference sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Manila.
At nu’ng Peb. 16 ay napunta sa akin ang Pagsulat ng Kolum sa sa DCS-Manila SCPC sa Antonio Maceda Integrated High School sa Sampaloc, Manila.
Sa tatlong pagtitipon, napuna kong alisto’t alerto naman ang mga kabataan sa pagkuha ng detalye mula sa aking pananalita bago sila sumalang sa kompetisyon. Nakita at tiyak kong may mga potensiyal naman sila.
Kaya lang naobserbahan ko rin base sa kanilang mga sinulat, na may kahinalaan ang mayorya sa ilalalaman pa ng kanilang mga sinumiteng artikulo na aking pinagkunan ng top 10 winners at pinarangalan na rin ng araw na iyon.
Isa ang ang tiyak ko, kulang lang sila sa pagbabasa para mas maging malalim ang kanilang mga sinulat. Kaya ang payo ko gaya rin ng mga nakasama ko sa mga pagtitipon, magbasa nang magbasa lang ang mga bata araw para mas marami silang matutunan, lalo na ang mga ‘di pinalad para sila naman ang magwagi sa susunod na patimpalak .
Pasensya na po sa mga school paper adviser at top 10 winners sa Pagsulat ng Isports. Nagkaproblema po ang cell phone ko kahapon na na-drain habang umaasiste ako sa Abante SPORTALAKAN Web TV ni kasamang bes Sarah Jireh Asido dito sa aming tanggapan sa Makati City kaya hindi ko nai-publish ang mga nanalo.
My apologies po. Gawan ko na lang ng paraan.