Inihayag ng Social Security System (SSS) na kanilang palalawigin ang deadline para sa kontribusyon at pagbabayad ng utang ng kanilang mga miyembro bilang konsiderasyon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.
Sa kanyang pagsasalita sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio na ang contribution payment mula Pebrero hanggang Abril ngayong taon ay puwedeng bayaran hanggang sa buwan ng Hunyo nang walang multa.
Ang pagbabayad naman ng mga utang para sa salary, calamity, emergency, at educational loan na mula Marso hanggang Abril ay pinalawig ng hanggang buwan ng Mayo.
“Kung sakali mag-extend ang ating quarantine period, magdadagdag tayo ng panibagong months na pwede nilang ma-extend pa. Kukuha tayo ng approval para ma-extend ang moratorium na ito,” ayon pa kay Ignacio. (Prince Golez)