Karaniwan nang nagpapasikip sa trapiko sa ating lansangan ang mga bumibiyaheng bus sa Metro Manila. Ito rin ang mga nagiging dahilan ng mga aksidente sa mga highway o major road dahil sa kanilang mabilis o barubal na pagpapatakbo. At minsan ay tinuturingan na siga sa EDSA, dahil sa kung saan-saan lang nagbababa ng mga pasahero na pinapabalagbag nila sa daan para hindi sila masingitan ng ibang bus sa pagkuha ng sasakay na nagiging dahilan ng pagsikip ng trapiko.
Tulad lamang sa Buendia-Taft na nagbaba sila ng pasahero sa gitna ng kalsada kaya hindi makausad ang mga sasakyan kaya nagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan na galing sa Makati na papunta sa Maynila.
Maganda ang naisip ng MMDA na ipagbawal ang mga provincial bus sa Kalakhang Maynila at siguradong magkakaroon ng kaginhawaan sa trapiko… ngunit ito ba ay makakatulong sa mga publiko?
Kawawa naman kasi ang nagtatrabaho sa Metro Manila na mula sa karatig probinsya, imbes na isang biyahe lang ay magiging dalawa papasok sa Metro Manila dahil ang estasyon ng mga pamprobinsyang bus ay sa Valenzuela at Laguna, at sasakay pa ng metro bus para makapasok sa siyudad ng Metro Manila.
Sana ay maging maayos ang sistema sa mga bus na hindi talo ang publiko.
Romibuen ng San Juan