Itinuturing na “welcome gesture” ng Malacañang ang ipinahayag ni US Ambassador Sung Kim patungkol sa pagsasauli sa Pilipinas ng Balangiga bells.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, pursigido ang gobyerno ng Pilipinas na mabawi ang mga kampana.
“The Philippines has been working for the rightful return of Balangiga bells to the country for many years.
The statement of US Ambassador Sung Kim that the return on the Balangiga bells is the right thing to do therefore is a welcome gesture,” ayon sa inilabas na pahayag ni Abella kahapon.
Binigyang-diin ni Abella na bahagi ng pamana ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga kampana at malaking bagay ito kung maibabalik sa mga Pinoy na sumisimbolo sa katapangan at kabayanihan ng lahing kayumanggi.