Aminado ang ang chairman ng House committee on ways and means na si Quirino Rep. Dakila Carlo Cua na masama ang loob ng mga ito dahil sa plano ng Department of Finance (DOF) na tanggalin ang tax exemption sa 13th month bonus ng mga manggagawa.

Sa isang panayam kay Cua, sinabi nito na isang taon pa lamang napaki­nabangan ng sambayanang Filipino ang nasabing batas na pinaghirapan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa noong 16th Congress su­balit aalisin agad ng DOF.

“Medyo masakit sa loob ng mga congressman ha. Pagkatapos na­ting i­laban (tatanggalin agad),” ayon kay Cua.

Ang tax exemption ay unang naipatupad noong 2015 matapos pirmahan ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang Republic Act No. 10653 noong Pebrero 2015.

Sa ilalim ng nasabing batas, lahat ng manggagawa na makakatanggap ng 13th Month na bonus na karaniwang ibinibigay sa gitna ng taon o kaya tuwing Pasko, ay libre na sa tax.

Gayunpaman, base sa tax reform package na isi­numite ng DOF sa Kongreso, kabilang ang buwis na ito sa mga babawiin upang mabawi ang P179 billion na mawawala umano sa gobyerno kapag inilibre na sa income tax ang mga manggagawa na kumikita ng P250,000 kada taon.

“Para lang makita ng publiko na…tama na pinag­laban natin ‘yan, pinanalo natin ‘yan, mawawala na lang nang ganun-ganon,” ayon pa sa mambabatas.

Subalit sinabi ni Cua na epektibo pa ang batas na ito ngayong taon o libre pa rin sa buwis ang 13th month pay na matatanggap ng mga manggagawa ngayong Pasko dahil wala pang batas na babawi dito.

2 Responses

  1. Hindi dapat kunin yan kasi nasa batas na basta pera ang pinagiisipan ang bilis gumawa ng gobyerno para lang mabawi ang mga pera na para sa mga tao. Mga gobyerno magpakatao naman kayo!