Inaprubahan ng Quezon City government ang pinasimpleng regulasyon at mga kinakaila­ngang permit para sa mga fireworks vendor para tiyaking magiging ligtas ang mga pamil­yang gagamit nito sa nalalapit na holiday season, partikular ngayong Bagong Taon.

Sa inilabas na Memorandum Circular No. 12 s.2019, upang makapagtinda ng mga papu­tok o fireworks ang mga vendor, kailangan lamang umanong kumuha ang mga ito ng Hawker’s Permit mula sa Market Deve­lopment and Administration Department (MDAD) at makapasa sa fire safety inspection ng Bureau of Fire Protection (BFP).

“We have made the guidelines simpler to encourage fireworks vendors to comply, follow safety protocols, and avoid the selling of prohibited firecrac­kers,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

“The guidelines are simple but stringent, providing adequate precautionary measures to ensure the safety of our citizens. We urge our vendors and residents to fully cooperate with the city government to promote safe and responsible holiday celebration in our city,” giit ng alkalde.

Nakasaad sa memorandum, kailangang naka-itemize ang firecrackers at pyrotechnics na ibebenta ng mga vendor habang ang ibang ipinagbabawal ay hindi maaaring ialok sa mga mamimili.

Ang mga fireworks na ipinagbabawal ay ang watusi, piccolo o ano pa mang firecrackers na nag­liliyab agad sa pamamagitan ng pagkiskis lamang, firecrac­kers na may maliliit na sisindihan ng apoy o agad na masusunog sa loob lamang ng tatlong segundo, polyvinyl pipe o boga, Super Lolo, Lolo Thunder, Ato­mic Bomb, at mga binili sa mga ‘di lisensiyadong dealer.

Maaari namang ibenta ang mga fireworks gaya ng Baby Rocket, Bawang, Small Triangulo, Pulling of Strings, Paper Caps, El Diablo, Judah’s Belt, Rocket, Mabuhay, Roman Candle, Trompillo, Whistle Device, Butterfly, Fountain, Jumbo Re­gular, Luces, pailaw at iba pang legal pyrotechnics na nasa circular.

“The public, and all Heads of Departments, Offices, and Task Forces of the City Government, including all Punong Barangays, and stations and precincts of the QCPD and QCFD are hereby directed to strictly monitor the public’s compliance with this Circular, and to report any unlawful act to Quezon City Hotline Dial 122,” paliwanag pa ng QC mayor. (Dolly Cabreza)