tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Marami ang nagbunyi sa pagbibitiw sa posisyon ni Mocha Uson bilang social media officer. Ang blogger na sangrekwa ang mga follower ay talaga namang isinusuka at isinusumpa ang kanyang mga opinyong laging wala sa hulog at katwiran.

Ang kanyang maanghang na pananalita, pagbatikos na walang kawawaan, ang tanging dinulot lang sa mga Pilipino ay lagim at pagkakahati-hati.

Sa showbiz, marami ang natuwa na tinapos na niya ang kanyang serbisyo publiko kahit pa nga hindi niya pa ito tinutuldukan.

Sabi nga ni Ces Oreña Drilon sa drama niya, “Good.” Si Agot Isidro, ang kuda sa sakripisyo kunyari ni Uson, “Dearie, we made the ultimate sacrifice while you were on office. Anoba.”
Spot on ang Queen Charotera Ethel Booba. “Malapit na ang filing of candidacy kasi. Charot!”

Ang inyong diva that you love, ang lambing sa inyong lahat, huwag muna tayong magbunyi sa kanyang pagbibitiw. Pakitandaan na ang ahas, nagbabalat pero nanatiling ahas pa rin. Drama ‘yan. Hindi sakripisyo!

Nagpapaawa para mailuklok sa mas mataas na puwesto. Huwag nating hayaan mangyari. Hindi pa tapos ang laban lalo na nga’t may ganito siyang ambisyon, “Handa akong lumaban bilang ordinaryong Pilipino. Dadalhin ko ang laban sa Senado at Kongreso.”

Huwag nating pahintulutan na maisakatuparan niya ang kanyang ambisyon. Ang dapat mangyari, ma-lost in space, lost in emotion, lost in translation, isama na rin natin na ma-gone with the wine at gone with the wind.

Nanlait kay Pia durog

Nakatawag pansin sa diva that you love ang paandar ni Khalil Ramos na binalak niya palang ayain ang starlet na si Gabbi Garcia na makasama niya sa ABS-CBN Ball.

Kung ginawa iyon ni Ramos, tiyak na mas pag-uusapan silang dalawa dahil public admission na yes, they are rea­lly a coupling at dahil nga fashion forward si Garcia, tiyak elegante at ganda-gandahan ang starlet sa kung ano mang haute couture creation ang kanyang irampa. Sure din na classy ang kanyang dress at hindi whorish o slutty.

May aftermath pa rin ang ball, huh! Ang ating 3rd Ms. Universe, Pia Wurtzbach, may isang so freaking politically incorrect follower hiding under a fictitious name na may hanash na, “Morena ka na nga nag pa-tan ka pa? Di ko ma-gets. Nagmuka ka tuloy African-American.”

Hindi masyadong halatang racist ang follower at pasimple kunyari ang kanyang panglalait sa people of color.

Panalo ang reaksyon ni Queen P, “And what’s wrong with that?” na may smiley sa huli.

O di ba, durog at kabog ang hiding under a fictitious name na follower. Beh buti nga sa iyo.

Juancho, Archie kinamumuhian ng mga fan ni Maine

Poot na poot pala kina Archie Alemania at Juancho Trivino ang kakarampot na fans ni Maine Mendoza.

Bakit kaniyo? Kasi nga, itong si Alemania, na kaibigan ni Juancho, may bidyo kung saan may pahayag na ang binata at ang Philippine Sweetheart, smooth sailing na ang “relasyon”.

Ano ba ang masama kung saka-sakaling may tunay na relasyon nga ang dalawa? Never naman naging item sina Mendoza at Alden Richards, hindi ba?

Si Menggay pa nga ang bumasag sa ilusyon niyong lahat. Siya ang umamin na “work” lang ang sa kanila ni Alden. Nagpakatotoo na nga ang idolo niyo, hindi niyo pa matanggap.

Bakit ba lagi niyong sinusukat at inaaba ang pagkatao at pagkalalaki ni Juancho? May karapatan talaga kayo? Bakit, kayo ba ang magulang o kapatid ni Maine? Pamilya niya ba kayo? Hindi ba dapat ang unang maalarma ang pamilya ni Mendoza?

Ang paghandaan niyo, ‘pag umiral na naman ang pagiging “totoo” ni Maine at mas mauna pa itong umamin na may relasyon nga sila. Hindi naman kataka-taka iyon lalo na nga’t wala na siyang love team to protect.

Hiwalay na ang karera nila ni Alden at tanging Eat Bulaga na lang ang playground nila.

Kaya, tama na, sobra na, tigilan na ang panlalait sa lalaki ni Menggay. Habang patuloy niyong inaalaghi si Juancho, believe, the more he becomes endearing and loved by Maine Mendoza.

Kung talagang mahal niyo si Maine, at kung sakali ngang si Trivino ang tunay niyang mahal at iniirog, dapat mahal niyo na rin si papable Juancho. Huwag maging MAKASARILI. Mendoza deserves her own piece of happiness and doses of love, love, love from this binatang makisig na maganda ang mukha at tindig, hindi ba naman?