“Kung may times of crisis kailangan mo ‘yun.”

Ito ang tugon ng Malacañang sa pagkuwestiyon ng mga militanteng grupo sa pagbili ng gobyerno ng P2 bilyong halaga ng jet para sa mga senior official.

Ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan umano ang naturang pagbili sa panahon ng krisis.

Nitong Martes kinumpirma ng Department of National Defense ang pagbili ng Philippine Air Force ng dalawang aircrafts, ang C295 tactical airlifter at G280 business jet.

Layon ng G280 jet na magamit ng Pangulo at mga senior official sa panahon ng krisis. (IS)