Nagbigay na ng go-signal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbili ng Polymerase Chain Reaction (PCR) testing kits at iba pang medical equipments para magamit sa mga taong hinihinalang may coronavirus disease.
Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na may pangangailangang makabili ang gobyerno ng mga kagamitan para sa COVID-19 subalit may balakid aniya dahil hindi maaaring gamitin ang pondo ng bayan at kailangang may pag-sang ayon ng Food and Drug Administration(FDA).
“There’s a rule that we cannot use public of funds to buy medical supplies, medicines without the FDA signal. Na-hostage yung mga rapid tests that we would like to buy,” anang Pangulo.
Batay sa Universal Health Law, hindi maaaring bumili ang DOH at PhilHealth ng mga nabanggit na kagamitan, maliban na lamang kung may approval ang Health Technology Assesment Council.
Pero sinabi ng Presidente na handa siyang makipagsapalaran kaya ibibigay niya ang clearance para bumili ng ralid test kits.
“I said you can go ahead and buy it immediately. You may have my clearance,” dagdag ng Pangulo.
Dahil dito napagkasunduan sa Inter-Agency Task Force for Emerging infectious Diseases meeting na ang Office of Civil Defense (OCD) ang bibili ng PCR testing kits, kasama na 10ang automated extracting machines, 10 biomedical freezers at dagdag na mga kagamitan para sa subnational at regional testing laboratories.(Aileen Taliping)