Inirekomenda ng Presidential Security Group (PSG) sa Internal House Affairs Office (IHAO) ng Malacañang ang indefinite suspension para sa tour sa Malacañang museum.
Sa harap na rin ito ng mainit na usapin sa 2019 novel coronavirus na nakapasok na sa Pilipinas at sa peligrong posibleng idulot nito.
Batay sa official statement ni PSG Commander Brig. General Jose Eriel Niembra, ang rekomendasyon ay bilang paniniguro na ligtas sa coronavirus ang tanggapan ng presidente.
Sinabi ng PSG chief na binabalangkas pa nila ang protocol sa mga bibisita sa Malacañang para matiyak na hindi makarating sa Palasyo ang nasabing virus.
“While crafting protocols for visitors in the Palace, PSG has recommended to IHAO the indefinite suspension of museum and palace tour.
This is a preemptive measure to ensure that the seat of government is secured from this biological threat,” ani Niembra.
Ang Malacañang museum ay malimit puntahan ng mga turista at maging mga estudyante para sa kanilang educational tour. (Aileen Taliping/Prince Golez)