Pagbuhos ng tubig ni Coco walang nakita si Lorna

Mag-i-isang taon na pala si Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano ngayong Marso. She revealed yesterday at her contract renewal with Beautederm 10 days lang pala dapat ang guesting niya sa naturang serye ni Coco Martin pero na-extend nang na-extend at pinapirma na siya ng kontrata till September of last year.

“Monthly, sinasabi nila sa akin, ‘o ha, itong December, mawawala na si Lily (her character). “Okay.” Tapos nun’g January, ‘o, February ka na ha,’ ‘okay.’ Tapos nun’g February, sabi nila, ‘ah, end of March na ha?’ ‘Okay.’ Okay lang naman ako nang okay, pero pahaba naman ng pahaba.

Kasi, hindi nga nila malaman kung paano nga ang gagawin,” sabi ni LT.
Ayon pa sa Grand Slam Queen, dito raw talaga sa seryeng ito nate-test ang kakayahan nilang lahat sa pag-arte.

“Parang test ito sa pagiging isang artista dahil ang taping namin, ang script, on the set at ang iba pa na dinadagdag, tingnan mo na lang sa Viber. Kung meron kang suggestions, ganyan, pwede mong sabihin.

“But kung baga, on the spot. Kailangan mong i-memorize, kung saan itatakbo, anon’g gagawin mo, doon mo na lang makikita.

“So, parang test ‘yan din kung hanggang saan ang kakayahan mo bilang isang artista,” kwento niya.

Natutuwa naman si LT at napakaganda ng feedback sa kanyang karakter bilang Lily at ito na nga raw ang tawag sa kanya ng mga tao ngayon.

When asked kung kumustang katrabaho si Coco, aniya ay talagang napakarami raw trabaho ng aktor para mapaganda ang FPJAP.

“Minsan nga, nakikita ko na talagang sobra ‘yung stress niya, na parang ‘eto na naman, ginawa na natin ‘to, kailangang mag-isip tayo ng bago.’ Naririnig ko lang ha, kasi medyo malapit-lapit ang distansiya namin.

“Tuloy, kung minsan, merong mga eksena na talagang kailangan niyang isipin. Tapos nakikita ko siya mismo ang gagawa. Ng blocking, ng lahat ng buong eksena. Siya ang mag-iisip para sa buong eksena. Na I feel na parang siguro ‘yung sobra niyang pagmamahal na rin sa Ang Probinsyano dahil sa 4 years na ‘yun, ayaw niyang basta mawalan na lang ng saysay ‘yung paghihirap nila,” she said.

Diretsahan ding natanong si LT kung may nasaksihan ba siyang buhusan ng tubig sa set ng FPJAP na ibinabato ngayon kay Coco, aniya ay wala naman siyang ganun’g nakita.

“Wala akong experience na ganu’n. Kasi nun’g nagpupuyatan din kami nung kailangang ang mga politikong tatakbo ay mawala na sa Probinsyano, medyo ‘yun, nagpupuyat kami talaga. Wala naman akong nakitang ganu’n,” ani LT.

When asked kung ano ang saloobin niya sa franchise renewal problem ng ABS-CBN, aniya, tulad din ng iba, ang hangad din niya ay ang ikabubuti ng marami.

“Siyempre, gusto mo na maayos ang problema nila.Lalo na pagdating sa franchising, sana matapos na, na mabigyan sila dahil hindi lang naman kaming mga artista ang mahihirapan kungdi ‘yung 11,000 plus na employees, di ba?” she said.

Samantala, tulad ng appearance niya sa FPJAP, halos isang taon na ang nakalipas nung pormal na naging bahagi si Lorna sa amazing roster ng Beautéderm ambassadors. Siya ang endorser ng Cristaux Gold Elixir Serum na nang i-release nila sa market ay sold out agad sa day 1 pa lang.

“Sobrang ligaya ko sa Beautéderm,” sabi ni Lorna. “Naguumapaw sa pagsasalamat ang puso ko dahil ni-renew ako ni Rei bilang isa sa mga ambassadors ng brand. I’m so thankful for the genuine friendship that I share with Rei, her family, with the entire staff of the company, and of course with my fellow ambassadors. Hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na nararamdaman ko sa Beautéderm.”

Isiniwalat naman ng President and CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan na maging siya ay maligaya at kasama nila si LT sa pamilya ng Beautéderm.

“She is really a woman that I admire and look up to. Lagi ko naman sinasabi na idol ko si Ate LT. Fan ako ng body of work ni Ate LT and we at Beautéderm is honored to have her as a brand ambassador. She is an icon of beauty and a symbol of excellence. Pero ang pinaka-mahalaga, Ate LT is the a wonderful, selfless person. Her kindness and her beautiful heart inspires us all to be the best versions of ourselves,” pahayag ni Miss Rhea.