Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) na ipitin muna ang paglalabas ng pangalan ng mga politiko na diumano’y kumukuha sa serbisyo ng mga gun-for-hire para ligpitin ang kanilang mga kalaban sa darating na halalan.
Ito ay kung hindi pa aniya handa ang PNP na magsampa ng kaso laban sa mga inaakusahan nilang mga politiko.
Aniya, hindi kagulat-gulat ang ganitong mga senaryo dahil noon pa man ay may mga politiko nang nagbabanggaan partikular na local level.
“I think it’s premature for the PNP to name names if they are not yet ready to file the necessary charges,” sabi ni Lacson.
“Politicians using gun-for-hire elements to eliminate opponents is happening as long as there were elections or since elections were first invented, especially at the local level,” dagdag nito.
Hinimok naman ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang PNP na disarmahan at sampahan agad ng kaso ang mga politikong mapapatunayang rumerenta ng gun-for-hire at hit squads.
“Gawin na yan ASAP! Disarm them and file cases with sufficient evidence,” giit ni Pimentel.