Mapapaaga ang pagtanggal ng “window hours” ­para sa number coding sa kahabaan ng EDSA ­Avenue at C-5 Road dahil sa darating na Oktubre 17 na ang implementasyon nito.

Ayon sa Metropolitan Development Authority­ (MMDA), dapat ay sa Oktubre 31 ang umpisa ng pagtatanggal ng “window hours” para sa UVVRP o number coding sa kahabaan ng EDSA, C5 Road, ­Alabang-Zapote Road, Roxas Boulevard at buong Mandaluyong City.

Nabatid sa MMDA, ito ang nagpagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) na ginanap kahapon, ang window hours na mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, na dati puwedeng dumaan ang mga sasakyan na naka-­number coding ay ipagbabawal na.

Bago ito pasimulan ay magsasagawa ng tatlong araw na dry-run, na mag-uumpisa sa Miyerkules, Oktubre 12 at hindi muna sila iisyuhan ng paniket.