Isang uri umano ng ‘diabolic proposal’ ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin o lusawin ang Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hindi dapat payagan ng Kongreso na buwagin ang CHR dahil ito ang puso’t diwa ng ­demokrasya sa bansa.

“Abolishing CHR is a diabolic proposal,” ani Villarin dahil sinegunda­han umano nina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ide­yang ito ni Duterte.

“Ito po ay nakakabahala. Nakakabahala ang ganitong panukala na buwagin ang CHR sapagkat kaakibat nito ay ang pagkawala din ng ating demokrasya. Ang karapatang pantao ang siyang puso’t kaluluwa ng ating Saligang Batas,” ani Villarin.

Magugunita na pinag-initan muli ni Duterte ang CHR sa kanyang ikala­wang State of the ­Nation Address (SONA) ­dahil sa pag-iimbestiga ng mga ito sa mga pulis sa posibleng paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga.

Maging ang mga sundalo ay posibleng ­imbestigahan din ng CHR dahil sa umano’y human rights violation sa ­giyera laban sa mga tero­rista sa Marawi City bagay na hindi matanggap ni Duterte kaya nagbanta ito na buwagin ang nasabing komisyon.

One Response