Pagbuyangyang ni Nadine aprub kay James

Isa si Nadine Lustre sa tatayong hurado ng bagong talent reality show na “Your Moment” na magsisimula ngayong Sabado, Nov. 9, kasama sina King of Talk Boy Abunda at singer-dancer-actor and TV host Billy Crawford. The program is hosted by Luis Manzano at Vhong Navarro.

Pinag-usapan si Nadine dahil sa kanyang recent sexy pictorial which got mixed reactions sa social media.

May nagsasabing maganda ang pictorial ng three-time best actress winner (Gawad Urian, Famas at Young Critics Circle).

Siyempre, mayroon din namang hindi nagustuhan ang pictorial. Well, kanya-kanya naman tayo ng panlasa pagdating sa mga bagay-bagay.

For sure, ang importante kay Nadine ay nagustuhan ng partner niyang si James Reid ang sexy pictorial niya.

Tulad ni James, gusto rin ni Nadine na mag-explore sa iba pang bagay na lalong makakatulong na kanya na ma-enhance ang kanyang sarili bilang isang artist. (Alwin Ignacio)