Binara ng dalawang senador ang panukala ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairperson Andrea Domingo na ibalik ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, hindi lang ‘high risk sector’ ang POGO kundi malaki ang potensiyal na kumalat ang sakit sa kanilang hanay lalo pa’t nagtatrabaho sa isang kulob na lugar ang mga empleyado nito.

“My concern with POGO is, it is not only a high risk sector —it has a huge potential of spreading the disease because there are several workers working an enclosed area and are residing in high rise condominiums,” reaksiyon ni Villaneuva.

Bukod diyan, karamihan aniya sa mga POGO ay hindi nagbabayad ng karampatang buwis kaya’t hindi dapat magpatuloy ang kanilang operasyon.

“Most of them also don’t pay taxes. So what’s the rationale for allowing them to operate?” pahayag pa ni Villanueva.

Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto naman ay mas gugustuhin pang payagan ang mga construction worker at mga magsasaka na bumalik sa kanilang trabaho.

“It’s non-essential. I would rather allow construction workers and farmers to go back to work,” dagdag pa ni Recto. (Dindo Matining)