PAGCOR bingo sa Pebrero 22

Babaha ng cash prizes ang mga tumatangkilik sa bingo sa ikalawang pagdaraos ng ‘P1K for P1M’ PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Manila.

Pagkaraan ng matagumpay nitong Enero 25, magkakatsansang muli ang mga bingo player para maiuwi ang premyo ng Game 10 sa halagang P1,000. Bawat ticket ay kapalit na apat na cards per game para sa 10 games.

Halangang P100,000 cash prize ang nakataya para sa Games 1 to 9 na magsisimula alas-dos nang hapon.

Sa mga interesadong lumahok, maaaring maglaro sa CF Manila Bay o kahit saang nga sangay CF sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay and Talisay (Cebu). (JAT)