Pagcor inutil sa 500 illegal POGO

Nagkalat umano ang nasa 500 iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na halos sampung ulit ang dami sa mga lehitimong online casino, ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chairman Andrea Domingo.

Ayon kay Domingo, nasa 61 POGO ang binigyan nila ng prangkisa noong Peb­rero 2020 kung saan 55 ang nag-o-operate.

Sa isang interview sa radio, sinabi ni Domingo na ipinarating na ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Cybercrime Division sa kanya ang naglipanang 500 illegal POGO bago nila ito salakayin.

Naniniwala si Domingo na ang mga illegal online casino ay dati nang nakakuha ng lisensya sa Cagayan Economic Zone Authority.

“There were thousands of BPOs (business process outsourcing) firms catering to offshore casino players that were not dismantled. It’s really difficult to catch these operators. If we take out the legi­timate operators, the illegal players will only take over. We all know that our law enforcement system is not perfert,” sabi pa ni Domingo.

Nasa 200 pa lang umamo ang naipa­sara ng NBI at PNP. “Our communications with the NBI and PNP are ongoing. We are helping them to buy equipment and cybercrime stations because since these are computer-based gaming, we can only catch them using computers,” dagdag ng opisyal.

Hayagang sinabi ni Pangulong Rod­rigo Duterte na hindi niya ipapatigil ang operayon ng POGO sa bansa sa kabila ng apela mula kay China President Xi Jinping. Tanging mga illegal POGO lamang umano ang ipasasara dahil ang mga ligal player ay malaki ang naiaambag sa ekonomiya.

Nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order (EO) No. 13 na naglalayong palakasin ang kampanya laban sa illegal gambling partikular ang mga online ope­rator na karamihan ay galing China. Sa pamamagitan ng EO, may kapangya­rihan ang Pagcor na magbigay ng lisensya sa mga POGO.