Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na indibidwal na gumagamit sa ahensya para manloko.
Kamakailan lamang ay nakatanggap ang mga top executive ng PAGCOR ng ulat hinggil sa paggamit ng mga pekeng PAGCOR check may peke ring pirma mula sa mga supplier na nagtatanong ng pagdedeliberan ng goods na diumano’y ni-request ng mga opisyal ng PAGCOR.
Ang mga nasabing order ay natuklasan kalaunan ay ginawa sa pamamagitan lamang ng telepono ng taong nagpanggap na opisyal ng PAGCOR.
Pagbibigay-diin ng PAGCOR, ang lahat ng transaksyon ng ahensya ay dumadaan sa bidding at hindi ginagawa sa pamamagitan ng telepono.
Direkta at personal ang ginagawang transaksyon sa mga supplier.