PAGCOR nanisi pa sa 500 illegal POGO

Mistulang naghugas-kamay si Philippine Amusement and Gaming­ Corp. chairman Andrea Domingo makaraang isisi nito sa Cagayan Economic Zone Authority noong nakaraang administras­yon ang pagdagsa ng halos 500 mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ayon kay Domingo, ang paglipana ng mga iligal na online casino ay bunsod na rin nang pagbibigay noon ng lisensya sa mga ito ng nakaraang administrasyon.

Aniya umaabot na sa 500 ang iligal na POGO sa bansa, halos 60 beses na mataas sa 61 POGO franchise na kanilang binigay hanggang Pebrero 2020, sa bilang na ito 55 lamang umano ang aktibo ang operasyon.

Sa panayam sa radyo sinabi ni Domingo na nakipag-ugnayan na sa kanya ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police Cybercrime Division tungol sa mga iligal na POGO at hindi rehistrado sa Pagcor, bago ito salakayin.

“There were thousands of BPOs (business process outsourcing) firms catering to offshore casino players that were not dismantled. It’s really difficult to catch these operators. If we take out the legitimate operators, the illegal players will only take over. We all know that our law enforcement system is not perfect,” sabi ni Domingo.

Dagdag pa nito, nasa 200 pa lang ang naikakandado ng NBI at PNP. Aniya, “We are helping them to buy equipment and cybercrime stations because since these are computer-based gaming,­ we can only catch them using computers.”

Una nang sinabi ni Pangulong Rodridgo Duterte na hindi nito ipatitigil ang operasyon ng mga ligal na POGO, kahit pa umapela sa kanya si China President Xi Jinping. Tanging ang mga iligal na POGO lang umano ang ikakandado dahil ang mga ligal na kompanya ay tumutulong sa tax at ekonomiya ng bansa.

Pinirmahan ni Duterte ang Executive Order No. 13 na naglala­yong palakasin ang kampanya laban sa illegal gambling partikular ang mga online operator na karamihan ay galing sa China. Sa ilalim nito, may kapangyarihan ang Pagcor na magbigay ng lisensya sa mga POGO.