Nagpahayag ng pagsuporta ang Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (PAGCOR) hinggil sa paghuli sa mga Chinese national na iligal na nagtatrabaho o nagsasagawa ng negosyo sa bansa lalo na ang mga may criminal record.

Kabilang umano rito ang mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Ope­rations (POGO) at iba pang Chinese worker na nasasangkot sa iba’t ibang krimen.

Ayon pa sa PAGCOR, simula umano Enero 14, 2020 ay nasa 2,000 illegal Chinese POGO worker at sangkot sa cybercrime fraud ang napabalik na sa kanilang bansa.

Hiling pa ng PAGCOR sa mga POGO employer na dalhin sa awtoridad ang lahat ng iligal na empleyado na may pa­nanagutan sa batas.