Pagcor supalpal ng Palasyo sa POGO

TIGIL muna ang operasyon ng mga online casino na pinapatakbo ng Philippone Offshore Gaming Operators o POGO habang umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na hindi napag-usapan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases ang operasyon ng mga POGO, subalit bilang general rule, kapag hindi sigurado ay “No”.

“POGO operations were not discussed among those exempted, so with the rule ‘in case of doubt, no’, then they must be closed during this declaration,” paliwanag ni Nograles sa press conference noong Lunes nang gabi.

Binigyang-diin ng kalihim na bilang general rule sa kasalukuyang sitwasyon kung saan patuloy na kumakalat ang coronavirus disease 2019, kung hindi sigurado, mas mabuting manatili lamang sa bahay.

“In case of doubt, no”. Also applicable, “ in case of doubt, stay home,” dagdag ni Nograles.

Una rito pinuna ng ilang netizens ang u­nang araw ng checkpoints at paghihigpit sa Metro Manila dahil nakita umanong pakalat-kalat ang maraming Chinese at bukas ang mga casino na pinapatakbo ng mga POGO.

Noong Linggo ay pinatigil ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang ope­rasyon ng lahat ng land-based casino, electronic games, bingo, sports betting, poker at slot machine operations.

Pinayagan naman ni Pagcor chair Andrea Domingo ang mga POGO subalit limitado ang operas­yon. (Aileen Taliping)