Walang plano ang Malacañang na i-pull out ang mga tropa ng pulis at sundalo na ipinadala sa apat na lalawigan sa bansa.
Ito ang inihayag ng Malacañang sa kabila ng mabilis na pagtutol ng Commission on Human Rights (CHR) at ilan pang grupo sa memorandum 32 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa deployment ng dagdag na tropa sa mga lalawigan ng Bicol, Samar, Negros Oriental at Negros Occidental.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hangga’t may karanasan sa mga nabanggit na lalawigan ay mananatili ang mga puwersang ipinadala ng gobyerno.
Binigyan-diin ni Panelo na seguridad ng mga sibilyan ang isinaalang-alang ng Pangulo dahil sa mga naganap na serye ng karahasan gaya ng mga pagpatay, ambush at panununog sa mga nabanggit na lugar.
“Hangga’t kailangan. Hanggat nagkakaroon ng mga karahasan eh kailangan talaga madagdagan ang puwersa,” ani Panelo.
Malinaw aniyang nakalagay sa memo na kailangang pangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan.