Pagdanganan, Schrock mga awardee sa PSA

Dalawa pang magaling na atleta — Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan — ang tatanggap ng karangalan at pagkilala bilang mga special awardee sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa papasok na buwan.

Si Schrock ang kukuha ng Mr. Football award, habang si Pagda­nganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf sa SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Makakasama ng 33-anyos na si Schrock at 22-taong gulang na si Pagdanganan sina Ms. at Mr. Basketball awardees Jack Animam at Thirdy Ravena, ang Ms. at Mr. Volleyball na sina Sisi Rondina at Bryan Bagunas, at Coach of the Year na si Pat Aquino na mga may special award mula sa pinakamatagal na media organization sa bansa sa event na mga presentado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

Ang Team Pilipinas naman ang unanimous choice para sa pinakamataas na karangalang Athlete of the Year award sa pagbibigay prestihiyo at dangal sa bansa sa ipinakitang exceptional performance na nagbigay sa host ng ikalawang overall title sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Ibinahagi rin ni Pagdanganan ang kanyang tagumpay sa mga Pilipino sa SEA Games sa pagwawagi ng dalawang medalyang ginto sa women’s golf individual event at team event kasama si Lois Kaye Go.

Kinilala na rin siyang 2018 PSA Athlete of the Year kasama ang kapwa golfers Go at Yuka Saso, lifter Hidilyn Diaz, at skateboar­der Margielyn Didal. Si Pagdanganan ay nagwagi rin sa Hawkeye El Tigre Invitational sa Mexico nakaraang taon.

Gold medal winner noong 2018 Asiad, nag-aral sa Gonzaga University at huli sa University of Arizona, natulungan din niya ang huli sa NCAA Division 1 women’s golf championship. Nagdesisyon nang mag-pro ang sports at society major nagdaang taon. (Lito Oredo)