Hindi na nakatiis ang Tokyo sa pagbabalewala ng China sa ipinalabas na ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumabor sa claim ng Pilipinas sa pinag-aagawang territory sa West Philippine Sea.
Ginawa ang pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe sa isang retreat ginanap sa labas ng Mongolian Capital Ulan Bator nang ipahayag nito na ang “rule of law” ay isang “universal principle” na dapat sundin ng international community.
Nabatid na sa ruling ng PCA noong Martes sinabi nito na walang basehan ang China sa ginawa nilang pagkubkob sa nine dash line.
Gayunman, hindi ito pinakinggan ng China at binalewala ang desisyon ng PCA sa halip lalo nitong hinigpitan ang pagbabantay sa pinag-aagawang teritoryo.