Pagdinig sa 25-year ABS CBN franchise itinakda ngayong araw

Ngayon araw (Martes) nakatakda ang gagawing pagdinig ng House committees on legislative franchises at good government and public accountability kaugnay sa panukalang pagbibigay ng panibagong 25-year broadcast franchise sa ABS-CBN .

Ayon ito kay Bulacan Rep. Jonathan Sy Alvarado, chair ng committee on good government kasabay ng pagsasabing tulad ng ipinangako umano ng liderato ng Kamara, asahan ang isang patas, komprehensibo at malawakang pagdinig sa usapin at lahat ng panig ay pakikinggan.

“Tomorrow (Tuesday), we look forward to the second hearing on the ABSCBN franchise. As Speaker Alan Peter Cayetano has repeatedly said, Congress is committed to upholding due process by conducting a fair, impartial, and comprehensive hearing before approving or denying the franchise application,” ayon kay Sy-Alvarado sa panayam kahapon.

Gagawin ang pagdinig sa Session hall bandang ala- 1:00 ng hapon.

Isa sa inaasahang haharap sa hearing si Solicitor General Jose Calida na kung matatandaan ay isa sa mga nagsusulong para ibasura ang renewal ng prangkisa ng network sa pamamagitan na rin ng inihain nitong quo warranto case sa Korte Suprema.

Paglilinaw ni Kongresista, bagama’t nasa SC e ang kaso ay hindi naman ito nakakaapekto sa gagawing pagdinig ng kapulungan kaalinsunod sa tinatadhana ng Section 21, Article VI ng Constitution, at Section 1 ng Rules of Procedure Governing Inquires in Aid of Legislation ng House of Representatives, na nagsasabing , “The filing or pendency of a case before any court, tribunal or quasi-judicial or administrative body shall not stop or abate any inquiry conducted to carry out a legislative purpose.”

Naniniwala pa ang solon na lahat ay gustong pakinggan ang panig ni Calida hindi lamang ng mga miyembro ng Kamara kundi maging ng sambayanan.

“Just like the Members of Congress, I am sure our kababpbayans would like to hear – and they deserve to hear – what SolGen Calida has to say, instead of just reading or watching about it in the news,” dagdag ni Alvarado. (Eralyn Prado)