Paghaharap nina Sunshine at Clarissa, inaabangan

sunshine-dizon

POSIBLENG magkikita ­ngayong hapon sa hearing sina Sunshine ­Dizon at Clarissa Sison, ang ­babaeng na-link sa asawa niyang si Timothy Tan na pareho niyang ­kinasuhan ng Concubinage at Anti-VAWC o Rep. Act 9262.

Kaabang-abang ang mga eksena kung magkikita-kita silang tatlo dahil baka magkakaroon ng mga pagbabago sa kaso.

Ayaw lang ­idetalye sa amin ng aming source, pero kung ma­tuloy ito, magkakaroon ng malaking pagbabago.
Abangan!

***

Palabas na ang indie film na Goodtime Boys ngayong Miyerkules sa Remar (Cubao, QC) at Isetann Recto (Manila).

Tampok sa ­pelikula sina Gylle Añonuevo, Nokie Manuel, Miggy de Joya, Mike Sarmiento, Nicole Lopez, Princess Roa at Lili Montelibano

Ayon sa producer na si Boy Pilapil (under Royal Bajandi Films), may theater tour nga­yon ang cast at mamimigay ng souvenir pictures.

1:00-3:00 PM sila sa lobby ng Remar, at 3:30-5:00 PM sa ­Isetann Recto.
Di ba, Blueseal?

***

Napanalunan ang Mega Jackpot sa Wowowin noong Lunes – na sabi-sabi ay auspicious day dahil 8-8 (August 8).

Ang half-british teenager na si Shayne Pauli Anne Jones na naka­tira sa isang relocation site ang nakakuha ng bagong bahay at P1M.

Touching ang episode na ipina­labas dahil ang nanay ng da­laga ay may isang hiling — ang maialis na sa relocation site ang kanyang mga anak dahil na­ngangamba siya sa seguridad ng mga ito.

Tuwing gabi raw kasi ay may pumapasok sa kanilang bahay at minsan pa ay may naghaha­bulan ng baril at saksakan sa kanilang lugar.
Panimula pa ­lamang ito ng pagpapaulan ni Kuya Willie ng ­pa-premyo.

Huwag ­palagpasin ang Wowowin ­mula Lunes hanggang Biyer­nes bago mag-24 Oras sa GMA.

***

Masaya ang atmos­phere ngayon sa Kapuso Network.
Maganda kasi ang ­financial performance ng kumpanya sa unang kalahati ng taon.
Sa second quarter performance briefing ng GMA Network noong Lunes (August 8), ibinalita ng pamunuan ng Network na 116% ang itinaas ng net income nito kumpara noong 2015.

Umabot sa P2.378 billion ang kinita ng GMA mula Enero hanggang Hunyo 2016 bunga ng malakas nitong benta mula sa advertisers at dahil na rin sa pagdagsa ng political ads noong kasagsagan ng eleksyon.

Ayon kay GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, hindi nila inakalang ganito kaganda ang magiging estado ng financial performance ng GMA ngayong 2016.

Tiyak na may magandang nag-aabang para sa mga Kapuso emplo­yees sa Pasko!