tonite-this-is-it-roldan-castro
ABS-CBN ang pinakapinanood na network noong 2018 pagdating sa paghahatid ng makabuluhang balita at kuwentong puno ng aral matapos nitong magkamit ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.

 

Buong taon ngang tinutukan sa bawat sulok ng bansa ang ABS-CBN, partikular na sa Mega Manila sa pagtala nito ng average audience share na 36%, at maging sa Metro Manila sa pagrehistro nito ng 42%,. Nanguna rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 40; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 53%, at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 52%.

 

Namayagpag din ang ABS-CBN sa listahan ng pinakapinanood na programa noong 2018, matapos 16 sa palabas nito ang nakapasok sa Top 20, na pinangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (41.2%).

 

Patunay lamang na walang nakaagaw sa trono ni Coco bilang Primetime King sa buong 2018.

 

Kasama rin sa listahan ang Pilipinas Got ­Ta­lent” (38.1%), “Your Face Sounds Familiar Kids” (33.3%), “Bagani” (31.8%), “La Luna Sangre” (31.4%), “TV Patrol” (30.5%), “Ngayon at Kailanman” (28.8%), “MMK 25” (27.2%), at “The Kids’ Choice” (26.2%). Nanguna rin noong 2018 ang “Wansapanataym” (25.7%), “Home Sweetie Home Walang Kapares” (23.4%), “Wildflower” (23.3%), “Home Sweetie Home” (23.2%), “Halik” (22%), “Meteor Garden” (21.6%), at “Rated K” (19.8%).

 

Samantala, tinutukan din ang ABS-CBN sa bawat time blocks noong 2018, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng 49%, kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng adverti­sers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas mara­ming consumer.

 

Panalo rin ang Kapamil­ya network mula Enero hanggang Disyembre sa morning block (6AM-12NN) sa pagrehistro nito ng average audience share na 38%; sa noontime block (12NN-3PM) sa pagkamit nito ng 44%; at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagtala nito ng 43%.

Maris napikon sa maling grammar

Napikon si Maris Racal sa pumuna sa kanyang ma­ling grammar. Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon.
Nag-post kasi si Maris ng photo ng ini-endorse niyang produkto.

 

 

Pag-alma niya. “What if mali talaga ang na post mo no? Siguro doble pa makukuha mong hate comments. Kailangan perfect ka talaga no pag nasa Pilipinas ka.”

 

Rachel  nag-enjoy sa paraiso

Pasabog ang  bikini photo ni Rachel  ­Peters sa kanyang Instagram account. Siya ang Binibining Pilipinas Universe  2017 at pasok sa Top 10 ng Miss Universe 2017.

 

 

May negosyo si Rachel na café bar sa Siargao. Mistulang paraiso sa kanya  ang lugar na ito. Pabalik-balik siya sa karagatan.

 

Ang caption niya sa kaniyang IG ay  “Back to beach I go….”
Komento  naman ng netizen..
@Caljeppyton, “God the legs.”
@yogiwakedee, “Sama  hahaha maganda ba alon this time of year diyan?”
@iamexhe, “so hot #rachelpetersx.”
@ravi_sharma97, “Even dark colors seem intense when they’re with you.”
@jayson_is_a_punk, “sarap”
@bong2ya­dao, “PUURFECT Bod!”