Nauuso na naman ang pestihan sa mga manok panabong mga klasmeyt, mahirap iwasan pero gawin niyo na lahat ng alam niyong maganda para hindi mapeste ang mga manok natin, hindi ko kayo kokontrahin pero alam ko marami sa inyo ang may orasyon para hindi dumating ang salot sa inyong manukan, mapa-backyard o mala­king farm.

Sa mga nagtatanong na mainam na gamot pangkondisyon, marami pong magagand, depende lang po kung saan hiyang ang manok niyo, tingin lang kayo sa website o magtanong sa mga kakilala niyo na bihasa sa pagkukundisyon.

May nagtanong kung puwede ba magturok ng gamot sa hapon tapos kinabukasan ang laban, ang sagot ko diyan eh hindi, ewan ko lang sa iba kung ginagawa nila, ang alam ko 3 days before the fight lang tapos i-keep na para makapagpahinga nang maayos at hindi ma-groggy sa gamot.

***

Noong Miyerkoles maganda ang bakbakan sa hackfight sa Roligon Mega Cockpit alas-nuebe inumpisahan ang sultada at kahit may 40 sultada lang ay nasiyahan naman ang mga klasmeyt natin doon.

Nagkaroon naman ng derby sa Cabanatuan noong Miyerkoles din, nilarga ang Mayor Joson 6-Cock Derby na ginanap sa Tatang Coliseum, Cabanatuan City, may 90 fights din ang nagawa na sinimulan ng alas-dos ng hapon.

***

Sa mga klasmeyt natin sa Pandacan, maglalaban yata sila ngayong Linggo, hindi ko lang alam kung sa Mandaluyong Cockpit, Vergara o sa San Juan sila maglalaban basta good luck at sana malinaw ang mga mata niyo sa ulutan.