Paghila ni Angel kay Shawie minasama

Paghila ni Angel kay Shawie minasama

Inulan na naman ng haters and bashers ang latest post ni Sharon Cuneta about Angel Locsin. As usual, na-misinterpret na naman ng mga netizen ang mga papuri niya sa aktres at na-compare na naman nila kay KC Concepcion.

Nag-post si Shawie ng larawan nila ni Angel na magkasama kasama ang isang mahabang caption.

“This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7. I was shooting my McDonald’a commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then. Lemme tell you about this woman.

“Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag‘hello.’

“During the finale of the last ABS-CBN Christmas Special, magkakasama kami nila Angelica Panganiban at Ogie sa likod habang nauna na lahat halos ng ibang Kapamilya stars. (Tawa ako ng tawa kasi ayaw namin sumabay sa sobrang gandang si Liza Siberano.

“Mauna na o mahuli siya kasi para siyang lagpas pa sa Miss Universe sa ganda!) Nung nasa stage na kami, ayaw ni Angel na dun lang ako sa likod. Sabi ko okay lang, nakakahiya naman dumaan pa sa gitna ng ibang stars doon para lang mapunta sa harap. Ayaw niya! Dapat daw doon ako!

“So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap.

“Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin? She didn’t have to do it but she did anyway, forgetting that she is THE Angel Locsin. Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita! @therealangellocsin,” ang caption ni Sharon.

May isang netizen na nagkomento na sumosobra na raw si Sharon dahil wala nang ginawa kungdi magpasaring sa panganay niyang anak.

“That’s too much ms sharon. Puro k parinig s pnganay mo. Nanahimik sya d k naaawa. Ngyn k lng nmn nagppost ng ganyan kc may purpose k para magparinig sa anak mo. D ako fan ni KC, naaawa lng ako bkt kailngn gawin mo yan thru social media at proud k pa. Taas ng pinag aralan mo at galing k s mrangal n pmilya, gamitin mo. God bless you!” puna ng netizen.

Hindi nakapagpigil si Sharon at sinagot niya ang komento.

“Nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad? Ang tinatamaan guilty kahit hindi sya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman.

“Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam,” pahayag ni Sharon.

May mga matitindi pang komento ang ibang netizens at dinedma na sila ni Sharon.

Susan ayaw patigilin ni Grace sa trabaho

Walang balak si Sen. Grace Poe na patigilin sa pag-aartista ang inang si Susan Roces. Kahit pa nga ba may edad na rin ito at dapat ay nagpapahinga na lang sa bahay.

“Unang-una, masaya siya sa trabaho niya,” paliwanag ni Sen. Grace nang makausap namin sa surprise birthday celebration ng kapatid niyang si Lovi Poe na ginanap last Monday.

“Pangalawa, hindi mo pwedeng pagsabihan si Lola Flora (pangalan ng karakter ni Manay Susan sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’). Kung ano ang gusto niya, ‘yun ang gusto niya,” dagdag pa niya.

Nag-aalala nga raw siya dahil nga sa puyatan sa taping pero sinusunod naman daw ng ABS-CBN ang cut-off time ni Manay Inday (tawag kay Susan).

“Pero alam mo, sa mga senior citizen, ang mas nagpapalakas sa kanila ay meron silang ginagawa araw-araw na gusto nila. So, wala sa edad ‘yun, nasa tamang pag-iisip at lakas ng katawan.

“Pero alam ng may mga nanay, hindi natin sila puwedeng pagbawalan,” she said.

At Manay Inday’s age ay bonggang-bongga pa rin ang career nito, sa totoo lang.

“Oo, may endorsement siya, maganda ang exposure niya sa telebisyon, maganda ‘yung mga aral na binibigay niya sa mga manonood na magdasal, huwag mawalan ng paniniwala,” sey pa ni Sen. Grace.

Pero kasunod nito ay nagbiro ang anak ni Manay Inday.

“Pero gusto ko kaya nagtatrabaho ang nanay ko, para hindi niya ako tutukan. Kasi, kung walang trabaho ‘yun, lahat ng hearing ko, papanoorin niya, siya ‘yung pinakaunang may phone in question sa akin,” natatawa niyang sabi.