Simula sa Mayo 11, tanging mga online application na lamang para sa medical assistance ng mga pasyente sa Metro Manila ang tatanggapin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang advisory sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na pansamantala nilang sususpendihin ang operasyon ng PCSO main at extension office dahil na rin sa coronavirus disease subalit tuloy -tuloy pa rin ang pagtulong ng ahensya sa pamamagitan ng mas convenient at ligtas na paraan na online process.

Nabatid na 100 kada araw na online applcation ang natatanggap ng PCSO.

“Effective Monday, May 11, filing and processing for medical assistance for confinement chemotherapy, dialysis, hemophilia and post-transplant medicines for NCR patients shall be done through online application only,” PCSO General Manager Royina Garma nakasaad sa advisory ng PCSO.

Sa mga nagnanais na humingi ng medical assistance ay maaaring magtungo sa website ng PCSO na http://www.pcso.gov.ph at iclick lang ang E-Services at click NCR Online Application.

Kung may katanungan ay maaari din na tumawag sa hotline numbers for Globe: 09178807150/ 09273139380; Smart: 09190683699/ 09490310843 mula Lunes hanggang Biyernes , ala 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. (Tina Mendoza)