Pagiging analyst ‘di bet ni De Leon

Pagiging analyst ‘di bet ni De Leon

Tapos pangunahan ang Ateneo Lady Eagles sa korona ng University Athletic Association of the Philippines Season 81 nitong Mayo 18, may bagong pinagkakaabalahan ngayon si Isabel Beatriz ‘Bea’ de Leon.

Habang ‘di pa sigurado si dating ADMU middle hitter kung saang pro league (Philippine Superliga o Premier Volleyball League) mapapadpad, sinubukan muna niyang rumaket bilang 3rd PVL 2019 Reinforced Conference eliminations game analyst.

Umupo si De Leon sa laban ng PetroGazz Angels at BanKo Perlas Spikers nitong Miyerkoles sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

“Hopefully, I’m looking into it, I’ll see first if it’s really for me or not but it’s good for me to try new things,” wika ni De Leon.

Ikatlong analyst stint na ito ng 5-foot-11 volleybelle sa nasabing liga mula nang umupo ito nitong nakaraang taon at mukhang nag-eenjoy naman ang UAAP Season 81 Finals MVP.

Aminado si De Leon na mas gugustuhin nito na maglaro sa loob ng court kaysa magsalita. (Fergus Josue, Jr.)