Pagkaing nagpapa-good mood at anti-stress

Maraming klase ng pagkain ang naki­kita sa mga bagong restaurant at fast food chains subalit hindi natin alam na karamihan dito ay nakasisira ng mood, nakakataba, at nakaka-stress. Kaya naman kailangan nating pumili ng mga pagkain na makapagbibigay sa atin ng sustansya at kaligayahan.

Subukang kumain ng mga pagkain na nakakabuti sa ating mood, mainam kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang-araw-araw. Mainam ang mga pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at sal­mon.

Piliin ang hindi galing sa lata sapagkat ang mga ‘canned meats’ na ito ay mataas sa sodium content na hindi nakakabuti sa blood pressure.

Bukod sa isda, mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging. Gumamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega-3 acids.

Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibigay ng ma­buting epekto sa ating utak sa pamamagitan ng pagpapataas nito sa serotonin, ang hormone na res­ponsable sa mood balance. Ang mga carbohydrates na pagkain ay mataas sa fiber, protein, vitamins at mine­rals kumpara sa refined carbohydrates.

Kumain ng saging dahil ito ay mayaman sa ­fiber at tryptophan na nakakapagpa-relax at nakakaganda ng mood.

Ang mga pagkaing keso, chicken, soy products, itlog, tofu, isda, gatas, turkey, mani, peanut butter, pumpkin seeds at sesame seeds ay mayaman din sa sangkap na tryptophan, isang amino acid na pangunahing kailangan ng katawan upang mag-produce ng serotonin na nagbabalanse ng ating mood.

Nakabubuti rin na uminom ng chamomile tea, bukod sa tsaa ay mayroon na ring ointment, capsules at juice ang chamomile. Kung iinom ng tsaa, maigi kung tatlo hanggang apat na beses ito sa isang araw. Ayon din sa pag-aaral, ang chamomile ay nakakatulong din sa mga taong may anxiety.

Uminom ng dalawang litro ng tubig kada araw. Imbes na uminom ng softdrinks o juice bilang pampalamig, piliin ang ­tubig. Ang pagiging hydrated ay nakakatulong sa maayos na sistema ng katawan at pag-­iisip.