Nagkrus din ang landas nina LeBron James at Kevin Love sa unang pagkakataon tapos ng 2017-18 season.
July 2018, iniwan ni LeBron sa Cleveland Cavaliers si Love para tumawid ng Los Angeles. Dahil sa injuries ng dalawa, ‘di pa sila nagtapat sa court.
Hanggang nitong Lunes sa Los Angeles nang tumabo si James ng 31 points, 23 dito sa dominanteng second half, para ihatid ang Lakers sa 128-99 win laban sa dating team.
Tapos ng blowout win, nagyakapan sa court sina LeBron, Love at Tristan Thompson.
“That’s a brotherhood,” ani Love. “That’s the bond that can never be broken. You saw Tristan and myself out there with him. That’s something we’ll always remember and kind of take to our graves. He’s my brother for life, and it’s weird playing against him.”
Magkakasama ang tatlo sa Cleveland nang sikwatin ng Cavaliers ang NBA title noong 2016.
Ipinoste ng Lakers ang highest-scoring half nila sa nakalipas na 33 years, umiskor ng 81 sa second sa pangunguna ni James na nagdagdag pa ng 8 assists para lagpasan si Isiah Thoma sa solo-eighth place ng NBA career list.
Inihatid ni James ang LA sa pangatlong sunod na panalo na wala si Anthony Davis, out dahil sa bruised backside.
Tulad ng ginagawa nila noon sa practice sessions sa Cleveland, si Thompson ang bumantay kay James. Pero 12 of 16 pa rin si LeBron.
Nagsumite ng 21 points at 11 rebounds si Love, may 17 points at 10 rebounds si Thompson. (VE)