Pagkakaisa ng ASEAN sa giyera kontra ilegal na droga

Letter To The Editor

Dear Sir:

Magandang balita ang pagkakaisa ng mga Asya­nong bansa sa pagpuksa sa ilegal na droga at tero­rismo. Ang ASEAN mismo ay nangako na pa­nanatilihin ang pagpapalawig ng kapayapaan, seguridad at stabilidad kasama na rin ang mapayapang pagresolba sa usapin ng mga teritoryo ayon sa internasyunal na batas. Ang Australia at Amerika maging ang Japan naman ay hinikayat ang mga li­der ng mga bansa na maki­pagtulungan na labanan ang terorismo.

Ang pagkakaisa hindi lamang ng ASEAN kung ‘di ng iba pang bansa ay may maitutulong sa pagsugpo sa lumalaganap na terorismo.

Batid naman natin na hindi lang bansa sa Asya ang may sigalot sa terorismo, patunay na d’yan ang Mosul. Kaya bilang mamamayan dapat lang na sa ating komunidad palang ay mayroon ng tulungan.

Jersan Arguilles
Mindoro

***

Dear Sir:

Kamangha-mangha ang taong nasa likod ng pagbibigay ng donasyon sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa Marawi.

Hanggang nga­yon kasi ay nananati­ling lihim ang katauhan nito, kumbaga, hindi niya ipinapangalandakan ang binibigay niyang tulong upang tingalain siya. Marahil sa pangseguridad na rin na dahilan, ngunit kakaiba talaga. Dahil nasa 98 milyong piso na ang kanyang naipapamahagi sa naulila ng mga sundalo.

Batid natin na hindi­ matutumbasan ng halaga ang bawat buhay na isinasakripisyo ng mga sundalo para sa ating lahat at sa ating bayan.

Ngunit sa pagkakataong ito sana marami pang samari­tano ang magpaabot ng kahit simpleng tulong para sa ating mga kababayang biktima ng terorismo at sa mga naulila ng ating mga sundalo.

Louch Aquino
Bataan