Pagkakaisa na may kaakibat na panalangin para maabot ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makapagbigay ng mas komportableng buhay sa mamamayang Pilipino.
Ito ang panawagan sa taumbayan ni Presidential spokesperson Salvado Panelo ngayong Bagong Taon.
“As another chapter of our Republic’s history is about to unfold, let us continue to be united in our efforts and prayers to help realize the President’s vision of a more comfortable life for all Filipinos,” ayon kay Presidential spokesperson Salvado Panelo.
Sa inilabas na kalatas ni Sec. Panelo ay sinabi nito na magandang panimula ang Bagong Taon para pagnilayin ang mga naging karanasan at pagsubok sa buhay.
“As we express our gratitude to the Almighty for all the blessings we received in 2018, we welcome the new year as an opportune time to reflect from the past year’s experiences and draw lessons from the things that had transpired, particularly how successfully the Administration has overcome the challenges of the previous year,” dagdag pa ng opisyal.
Idinagdag pa nito na ito na ang panahon para maunawaan ang mga naging leksyon natin at maging handa sa mga susunod na pagdadaanan sa buhay.