Pagkakaligtas kay Fr. Chito, ‘answered prayers’ — bishops

Ikinalugod ng mga obispo ng Simbahang Katoliko ang pagkakasagip kay Father Teresito ‘Chito’ Suganob na mahigit tatlong buwang binihag ng ISIS-Maute group nang sumiklab ang krisis sa Marawi noong May 23, 2017.

“ [Their] liberation is the result of our faith in prayer,” pahayag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad.

Dagdag pa ng arsobispo, ang pagkakaligtas ng mga sundalo kay Father Suganob ay patunay na makapangyarihan ang pagdarasal.

Una nang kinumpirma ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na si Father Suganob ay kasama sa dalawang na-rescue ng tropa ng pamahalaan malapit sa Bato Mosque, ang ikalawang grand mosque sa Marawi na nabawi ng militar.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Iligan City Bishop Elenito Galido sa mga sundalo na naka-rescue sa pari.

“Good news talaga. Nagpasalamat ako sa mga sundalo na naka-rescue kay Fr. Chito at isang teacher yata ng Dansalan na-rescue sila at ka­ming lahat dito ay natutuwa. Talagang answered prayers. Talagang palagi naming ipinagdarasal. Ngayon malaya na sila. Thanks be to God,” ang masayang pahayag ni Bishop Galido.