Pagkakapaslang sa isang Maute kinukumpirma

Itinuturing na malaking dagok para sa Maute ISIS group ang pagkakapaslang sa isa sa tatlo nilang lider na si Abdullah Maute.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Carlito Galvez, napatay si Abdullah dahil sa ikinasang serye ng airstrikes ng militar sa pagitan ng August 14 hanggang 26.

Pero ayon kay Galvez, makukumpirma lamang nila ito kung makikita nila ang bangkay ni Abdullah para isailalim sa DNA testing.

Higit 20 ektarya na lamang ang ginagalawan ng mga terorista at nananatili sa battle area ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Ang kapatid naman ni Abdullah na si Omar na unang napabalitaang napatay ay buhay pa rin.