Hindi napigilang dumipensa ang ama ni Alden Richards sa kabastusan ng isang netizen. Ipinagtanggol niya ang ang anak.
Tungkol ito sa article na may titulong Wanted: leading lady ni Alden Richards.
Nag-comment ang netizen na si @rearevalo27, “Baka leading man ang gusto niya!”
Marespeto naman ang pakli ni Daddy Bae @richardfaulkerson, “Sir, please prove it. Thank you.”
Nag-react naman ang mga netizen sa isang site.
“Grabe, Alden’s minding his own business, working hard tas may mga bastos talagang tao. Di ko ma-gets anong kasiyahan nakukuha nila diyan.”
“Hindi nman nag-showbiz c Alden para mangolekta ng babae, nag-artista sya para tulungan ang pamilya nya. Sus, porket di pinatulan c yaya may ibang ibig sabihin na agad sila, as if nman saksakan ng ganda c yaya at di dpat tanggihan ni Alden ganon?!”