Pagkalas sa UN hinding- hindi mangyayari — solon

lagman-edcel

Itinuturing ng isang mamabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isa nang “dead issue” ang banta ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na kakalas ito sa Uni­ted Nation (UN) dahil sa paniniwalang hindi ito gagawin ng Pangulo.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hinding-hindi mangyayari ang banta ni Duterte dahil bukod sa charter member ng UN ang Pilipinas o kasapi ng mga gumawa ng batas, marami ang mawawala sa bansa kapag nagkataon.

“Dead issue na iyan dahil hindi tayo basta-basta umalis sa UN,” ani Lagman kahit pa masama ang loob ni Duterte dahil sa pakikialam umano ng nasabing orgnisasyon sa patayan sa Pilipinas.

Sinabi ng mambabatas na maraming lider ng bansa sa mundo ang sine-censor ng UN suba­lit walang isa sa kanila ang nagsabi na kakalas na sa organisasyong ito.

Naniniwala si Lagman na napagtanto na ni Duterte na malaki ang mawawala sa Pilipinas kapag tinotoo nito ang kanyang banta tulad ng pagkawala ng tulong ng UN sa sistema ng edukasyon sa bansa.

“Bukod sa education, marami tayong nakukuhang tulong, assistance sa UN sa larangan ng economy development, social etc,” ayon pa sa mamba­batas.

Maliban dito, ang UN din umano ang unang tumutulong kapag panahon ng kalamidad sa bansa tulad noong manalasa ang super typhoon Yolanda noong 2013 kaya sinabi ni Lagman na “there is no reason to leave the UN.