Pagkalunod ng mga migrant kids sa Pacific coast, iimbestigahan

drowning

Nagsisimula na ang Mexican prosecutors sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng tatlong batang galing sa Central America na umano’y nalunod sa Pacific coast noong nakaraang linggo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga Prosecutors mula sa Chiapas, kasama ng mga bata ang kanilang ama nang lumubog ang kanilang bangka dahil sa malakas na ulan.

Ang mga biktima ay mula umano sa El Salvador, pero ayon sa Honduran foreign ministry, dalawa sa mga bata ay mula sa Honduran.

Nalaman na nakaligtas ang ama ng mga bata.

Matatandaan na noong 2014 nagkaroon ng poli­tical crisis sa United States nang maghigpit ang Me­xico sa kanilang southern border dahil sa pagkalunod ng ilang batang migrants.