Pagkalunod sa panaginip

Dear Dream catcher,
Gusto ko po malaman ang pinapahiwatig ng panaginip ko. Tungkol sa pinakamamahal ko na first pamangkin ko 4yrs old p lang siya.

Sa panagi­nip ko, natagpuan ko daw na nalunod siya sa swimming pool, nakalutang sa tubig. Kinuha ko siya at sobra akong nanghina at iyak ako nang iyak dahil wala na siyang buhay. Gusto ko na rin daw mamatay.

Sinabi ko raw sa mga tao na nawalan na ako ng pag-asa sa buhay pero sabi nila sa akin ipagpatuloy ko ang buhay ko. Hanggang sa nagising ako na pagod na pagod ang puso sa kaiiyak pero wala naman akong luha.

Nakaramdam ako ng takot dahil malayo sa akin ang pamangkin ko. Nag-aalala ako ngayon.
Amiyah

Ang tubig ay sumisimbolo sa emosyon at ang pagkalunod ay maaaring sumisimbolo na nalulunod ka sa iyong pinagdaraa­nang emosyon.

Ang iyong pamangkin ay maaaring representasyon ng iyong sarili. Ang iyong pag-iyak sa pana­ginip ay maaaring indikasyon na sa aktuwal na buhay ay nahihirapan ka sa isang komplikadong sitwasyon kung saan ay narara­mdaman mong wala kang kontrol, wala kang magawa at nakakaramdam ka ng pagkatalo.

Ang pagkalunod ay indikasyon na hindi nagi­ging balanse ang buhay mo ngayon at maaaring paalala ito ng iyong isip para sagipin mo ang iyong sarili.

Ang pagkalunod sa swimming pool ay may malaking kaibahan kumpa­ra sa pagkalunod sa dagat o ilog. Ang swimming pool ay man-made. Kaya kung iha­hanap mo ito ng koneksyon, makikita mong tao lamang ang may gawa ng kung anumang pinagmumulan ng iyong takot. Kung ito’y sitwasyon, kaya mong lumayo sa anumang nagdudulot sa iyo ng alala­hanin, kung totoong mero­n man.

Alisin mo ang pa­ngamba na ang iyong panaginip ay pahiwatig na may mangyayari sa iyong pamangkin. Dahil ikaw ang totoong nalulunod sa iyong panaginip. Sinabi mo rin sa mga tao na wala ka nang pag-asang magpatuloy sa buhay at ito’y pahiwatig ng iyong subconscious na maaaring may pinagdaraanan ka kung saan nararamdaman mo talagang wala kang lakas at halos nawawalan ka na ng gana na magpatu­loy sa paglaban.

Kung wala ka namang ganitong pinagdaraa­nang sitwasyon o pinagdaanang ganitong sitwasyon, hindi kaya may ganito kang takot sa isip mo?
Pag-aralan ang iyong totoong sitwasyon, mero­n ka bang pinaghuhugutan ng takot at pagkabalisa? Isang sitwasyon o isang relasyon kaya kung saan nakakaramdam ka ng insecurities?

Ikaw ang tunay na nakakaalam ng tunay mong sitwasyon at pinagdaraanan kaya ikaw ang higi­t na makakahanap ng koneksyon ng iyong pana­ginip.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.